Subscribe to Updates
Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.
- PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
- Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
- Alice Guo ‘spy’ ng China, iimbestigahan ng DILG-PNP
- 24 ex-PNP chiefs iniimbestigahan na – Marbil
- Ex-PNP chief ‘tumulong’ sa pagtakas ni Alice Guo
- P1.3 bilyong tinapyas ng Kamara sa pondo ni VP Sara
- China nagdeploy ng 203 barko sa West Philippine Sea
- Quiboloy sumuko ka na! — Abalos
Author: News Desk
Imbis na hooded sweatshirt, milyun-milyong halagang “good items” pala ang pakay tanggapin ng isang suspek mula Antipolo, Rizal matapos mabisto sa operasyon ng gobyerno kamakailan. Ayon sa ulat ng Bureau of Customs (BuCor) ngayong Miyerkules, sinabing inaresto ang isang 23-anyos na consignee ng 1,900 gramo ng high-grade marijuana o “kush” na ikinubli sa isang jacket. Nagkakahalaga ito ng P3.135 milyon. “Upon receiving derogatory information from [Philippine Drug Enforcement Agency], the shipment declared as ‘hooded sweatshirt,’ which arrived on May 9, 2024, was immediately subjected to x-ray scanning and K9 sniffing. Both inspections indicated possible presence of illegal drugs,” ayon sa BuCor kanina.…
Tumulak patungo sa West Philippine Sea ang laksa-laksang sibilyan sakay ng mga bangka para mamahagi ng supplies sa mga Pilipinong mangingisda roon — ito habang iginigiit ang karapatan laban sa pang-aagaw ng Tsina. Isinagawa ang misyon patungong Bajo de Masinloc (Scarborough o Panatag Shoal) ngayong Miyerkules dalawang linggo matapos banggain at bombahin ng tubig ng China Coast Guard ang dalawang Philippine government boats. “Our mission is peaceful, based on international law and aimed at asserting our sovereign rights,” ani Rafaela David ng grupong Atin Ito bago maglayag para mamigay ng pagkain at krudo sa mga mangingisda. “We will sail with determination, not…
Balak pigain ng Senado si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales sa susunod na pagdinig upang malaman kung sino ang nasa likod ng kanyang rebelasyon tungkol sa “PDEA leaks” na nagsasangkot kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang celebrity sa paggamit ng ilegal na droga. “Itanong natin ‘yan sa kanya tanong natin kung may nagbayad sa kanya. Tanong ko yan next hearing…Haharap pa rin siya…,” pahayag ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs na nagsisiyasat sa kontrobersiyal na PDEA leaks. Una rito, binatikos si Dela Rosa ng…
Tahasang sinabi ng Philippine Navy na gumagamit ang China ng “Marites warfare” upang pag-awayin ang mga opisyal ng gobyerno at mailihis ang tunay na isyu ng pag-angkin nila sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Ayon kay PN for West Philippine Sea Spokesman Commodore Roy Vincent Trinidad sa isinagawang press briefing ng Bagong Pilipinas, walang katotohanan ang mga sinasabi ng Chinese embassy sa Pilipinas na mayroon umanong bagong model ng kasunduan sa pagitan ng Western Command at Chinese Diplomats. Pawang walang mga basehan umano ang pahayag ng Chinese embassy na mayroong recorded na pag-uusap ng WESCOM at Chinese…
Umarangkada na kahapon ang pinakamalaking Balikatan joint military exercises 2024 sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US military. “As the chief of staff of the Armed Forces of the Philippines, I officially declare the Philippines-United States exercise, Balikatan 39-2024, open effective today,” pahayag naman ni AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. sa opening ceremony sa Camp Aguinaldo. Tiniyak naman ni PNP-Special Action Force (SAF) Director Police Major General Bernard Banac na handang-handa nang sumabak sa Balikatan Exercises ang nasa mahigit 150 SAF troopers. Isasagawa ang 39th Balikatan o bilateral training exercises sa pagitan ng Pilipinas at…
Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga police applicant na mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng tattoo habang kailangan namang ipabura ng mga kasalukuyang pulis ang kanilang mga visible na tattoo. Sinabi ni PNP-Public Information Office (PIO) chief Police Col. Jean Fajardo sa ginanap na press conference, sa ilalim ng memorandum Circular 2024-023 na inaprubahan nitong Marso 19, 2024, ang mga uniformed, non-uniformed police gayundin ang civilian police ay kinakailangang magpabura ng kanilang tattoo na nakikita. “For some sinasabing creative art ito, expression of oneself belief sa artistic side po nila but in every right there’s a boundaries dito…
Hnuli ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong katao na ilegal na nagbebenta ng SIM cards sa Maynila. Kinilala ng NBI ang mga suspek na sina Kim Thi Ta, Ria Nunez Sto. Domingo, at Mary Joy Llamera Sto. Domingo na nahuli sa isinagawang operasyon ng Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) ng NBI sa Tondo, Maynila sa bisa ng search warrant na naipalabas ng korte laban sa mga ito. Nakuha mula sa mga ito ang pre-registered SIM cards, cellular phones, computer sets at GSM Modem/Text Blaster. Ang mga ito ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act…
Tila nagpahiwatig si First Lady Liza Araneta-Marcos na mayroong tensyon sa pagitan nila ng kanyang hipag na si Senador Imee Marcos. Sa panayam ng broadcaster na si Anthony Taberna sa kanyang YouTube Channel sa Unang Ginang, sinabi niya na huli silang nag-usap ng Senadora noong Disyembre pa. Sa tanong kung bakit hindi ipinagtatanggol ni Sen. Imee ang kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi niya na ang Senadora ang dapat tanungin. “You should ask her. I am just the outlaw. I know what line not to cross.” giit pa ni First Lady. Natanong din kung maayos silang nag-uusap…
Kumpirmado nang nagpadala ng Midrange Capability missile system ang United States Army sa Pilipinas para sa gaganaping Salaknib Exercises 2024 ng Pilipinas at Estados Unidos. Nabatid na ito ang kauna-unahang pagkakataon na gagamitin sa bansa ang naturang missile system para sa isang joint military exercises sa pagitan ng dalawang bansa. Nasa hindi tinukoy na lugar sa Northern Luzon ang MRCS na inaasahang magbibigay ng abilidad sa United States forces na maglunsad ng Standard Missile 6 at Tomahawk Land Attack Missile sa Luzon Strait. Ang Standard Missile 6 System ay kayang umabot ng hanggang 300 nautical miles o mahigit 500 kilometers…
Tinawag ni Sen. Risa Hontiveros si dating pangulong Rodrigo Duterte na traydor dahil sa pagpasok nito sa isang gentleman’s agreement sa China. Kasabay nito, hinikayat din ni Hontiveros ang Senado na magsagawa ng malalim na pagsisiyasat sa sinasabing “secret deals” ng nakaraang administrasyon. Palinawag pa ni Hontiveros, pareho nang kinumpirma nina Duterte at Chinese embassy sa Manila ang sinasabing gentlemen’s agreement at maituturing itong “treason” o pagtataksil dahil sa pagsusuko ng soberenya sa karapatan sa West Philippine Sea (WPS). Iginiit pa niya na ang isang fake agreement ang usapan ng dalawa at binibigyan lang nito ng pakinabang ang Beijing na…