Kahit nararanasan ng bansa ang epekto ng El Niño Phenomenon, mayroon pa ring nagbabadyang 10 hanggang 14 bagyo na inaasahang papasok sa bansa sa loob ng natitirang buwan ngayong 2023.
Ayon kay PAGASA Assistant Weather Services Chief Analisa Solis, ang ilan sa papasok na bagyo ay posibleng mag-landfall habang ang iba ay daraan lamang ng Philippine area of responsibility (PAR) pero paiigtingin nito ang habagat.
Sa kabuuan ay hanggang 17 bagyo ang tatama sa bansa ngayong taon.
Sinabi ni Solis na titindi ang epekto ng El Niño sa pagitan ng December 2023 hanggang February 2024 pero dahil sa habagat na umiiral tuwing Hulyo, Agosto at Setyembre ay maaaring magkaroon ng mga pag-ulan at makatulong itong mapataas ang water level sa mga dam.
Ang bahagi ng Mindanao ang pinaka maapektuhan ng El Niño dahil sa kakulangan ng tubig sa naturang rehiyon.