Lumampas na sa higit 1 milyong subscribers ang nagsipagrehistro ng kanilang SIM sa mga telco companies.
Batay sa July 13, 2023 record ng National Telecommunications Commission (NTC), may kabuuang 103,101,990 SIMs ang nairehistro na o 61.36% ng kabuuang subscribers sa bansa na 168,016,400.
Sa data na nakalagay sa website ng NTC, 48.798 million ang nagparehistrong Smart subscribers, 47.025 million Globe at 7.278 million DITO Telecommunity.
Matatapos ang SIM registration sa July 25. Oras na hindi naiparehistro ang SIM sa takdang deadline para dito ay kusa itong made-deactivate.