Umaabot na sa 108 na lugar sa anim na rehiyon sa Luzon ang nasa ilalim ng state of calamity bunsod ng nagdaang bagyong ‘Egay’ at hanging habagat.
Nabatid sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 2,452,738 katao o 668,974 na pamilya sa 4,164 na barangays ang apektado sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region.
Gayundin sa Western Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bangsamoro Autonomous Region, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).
Pansamantalang sumisilong ang 13,718 pamilya o 50,467 indibidwal sa 736 evacuation centers.
Samantala, nananatili sa 25 ang naiulat na nasawi habang 52 ang sugatan.