Umaabot sa 149 kababaihan at mga bata ang biktima ng mga kaso ng cybercrime sa bansa sa unang bahagi ng taong 2024.
Ito ang inireport ni PNP-ACG Director P/Major Gen. Sidney Hernia, kaugnay ng idinaos na AngelNet Summit 2024 sa Multi Purpose Hall ng Camp Crame kamakalawa na naglalayong mapalakas pa ang paglaban sa cybercrimes kung saan ang kadalasang biktima ay mga kababaihan at mga bata.
Sinabi ni Hernia na ang nasabing bilang ay 36% sa nairekord na mga biktima noong 2023.
Noong 2023 ay nakapagtala ang PNP-ACG ng kabuuang 407 kaso.
Samantala, inintrodyus din sa summit ang Aleng Pulis at ang CyberSquad, ang avatar group ng PNP-ACG na siyang magsisilbing frontline investigators upang palakasin pa ang cyberspace security ng mga kababaihan at mga bata.
Ang summit ay nakapokus sa paglaban sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) habang iprino-pomote ang cyber-safety awareness at edukasyon ukol dito.