Subscribe to Updates

    Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.

    What's Hot

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Facebook Twitter Instagram
    Trending
    • Internet voting pinatitigil sa SC
    • 3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China
    • Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS
    • Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief
    • VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
    • Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
    • PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
    • Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
    Facebook Twitter Instagram YouTube
    Starvision NewsStarvision News
    Subscribe
    Monday, May 12
    • HOME
    • WORLD
    • PHILIPPINES
    • BAHRAIN
    • GULF
    • Entertainment
    Starvision NewsStarvision News
    Home»BREAKING NEWS»3 drug suspect timbog sa P1.7 milyong shabu
    BREAKING NEWS

    3 drug suspect timbog sa P1.7 milyong shabu

    News DeskBy News DeskJuly 10, 2023Updated:July 10, 2023No Comments2 Mins Read
    Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

    Dahil sa tip ng concerned citizen Tip ng isang concerned citizen ang naging dahilan sa pagkaaresto ng tatlong drug suspects at pagkakumpiska ng may P1.7 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust ­operation na isinagawa sa tapat ng isang paaralan sa Quezon City kamakalawa.

    Sa ulat ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGEN Nicolas Torre III, nakilala ang mga suspek na sina Alejandro Lapore, 52; Rosalinda Lapore, 50; at isang 16-anyos na dalagita, pawang residente ng Brgy. Santa Ana, Taytay, Rizal.

    Sa ulat ng Anonas Police Station (PS 9), na pinamumunuan ni PLt. Col. Morgan Aguilar, nabatid na dakong alas-6:10 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa tapat ng isang paaralan sa Aurora Blvd., Brgy. Loyola Heights, Quezon City.

    Lumilitaw na nagsagawa ng buy-bust ­operation ang mga pulis nang makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen hinggil sa drug peddling activity ng mga ito.

    Isang pulis ang umaktong poseur buyer at nang makabili ng P50,000 halaga ng shabu ay kaagad nang ­inaresto ang mga suspek.

    Nakumpiska mula sa mga suspek ang nasa 250 gramo ng shabu na nasa P1.7 milyon ang halaga, isang cellular phone; isang Isuzu DMAX (NOT 449); at buy-bust money.

    Ang mga suspek ay nakapiit na at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    News Desk

    Related Posts

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Add A Comment

    Comments are closed.

    Editors Picks
    8.5

    Apple Planning Big Mac Redesign and Half-Sized Old Mac

    January 5, 2021

    Autonomous Driving Startup Attracts Chinese Investor

    January 5, 2021

    Onboard Cameras Allow Disabled Quadcopters to Fly

    January 5, 2021
    Top Reviews
    9.1

    Review: T-Mobile Winning 5G Race Around the World

    By cinideep
    8.9

    Samsung Galaxy S21 Ultra Review: the New King of Android Phones

    By cinideep
    8.9

    Xiaomi Mi 10: New Variant with Snapdragon 870 Review

    By cinideep
    Advertisement
    Star Vision
    Starvision News
    Facebook Instagram YouTube Twitter
    • Home
    © 2025 Star Vision. Designed by Star Vision Global.

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.