Isang lalaki sa Chicago ang sinentensiyahan ng 30 taon pagkabilanggo dahil sa “soliciting sexually explicit photos” at videos ng mga batang babae mula sa Pilipinas.
Si Karl Quilter, 58, ay umamin na nagkasala noong nakaraang taon sa sexual exploitation ng mga bata, ayon sa US Attorney’s Office sa North District ng Illinois.
Sa napaulat na pahayag ng US Attorney’s Office, sinentensiyahan si Quilter ng 30 taon ni US District Judge Virginia Kendall.
Ayon sa ulat, hinikayat ni Quilter ang hindi bababa sa siyam na babae sa Pilipinas na gumawa ng mga sekswal na larawan at video at ipadala sa kanya sa pamamagitan ng Facebook, Viber, at Skype sa pagitan ng 2017 at 2020.
Sinabi rin ng US Attorney’s Office na sinamantala ni Quilter ang problema sa pera ng pamilya ng mga biktima upang akitin ang mga batang babae na i-record ang mga sekswal na larawan.
Si Quilter ay inaresto sa Chicago noong Nobyembre 2020.
“Victim by victim, and message by message, defendant used social media and the internet to target and groom young Filipino girls,” napaulat na sinabi ni Assistant US attorney Ashley Chung sa government’s sentencing memorandum.
Binanggit din ang mahabang taon na pattern ni Quilter sa pang-aabuso at pagsasamantala sa mga menor-de-edad.