Subscribe to Updates

    Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.

    What's Hot

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Facebook Twitter Instagram
    Trending
    • Internet voting pinatitigil sa SC
    • 3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China
    • Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS
    • Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief
    • VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
    • Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
    • PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
    • Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
    Facebook Twitter Instagram YouTube
    Starvision NewsStarvision News
    Subscribe
    Monday, May 12
    • HOME
    • WORLD
    • PHILIPPINES
    • BAHRAIN
    • GULF
    • Entertainment
    Starvision NewsStarvision News
    Home»BREAKING NEWS»576 Manila City Hall employees, tumanggap ng Loyalty Award
    BREAKING NEWS

    576 Manila City Hall employees, tumanggap ng Loyalty Award

    News DeskBy News DeskJune 22, 2023Updated:June 22, 2023No Comments2 Mins Read
    Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

    Inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Huwebes na may kabuuang 576 na empleyado ng Manila City Hall ang binigyan ng pagkilala sa kanilang mahabang taon ng serbisyo bilang bahagi ng isang buwan na selebrasyon sa paggunita sa anibersaryo nang pagkakatatag ng lungsod sa Sabado, Hunyo 24. 

    Ayon kay Lacuna, ang mga empleyado na nakapagbigay ng ‘di matatawarang serbisyo para sa lungsod at sa mamamayan nito ay binigyan ng “City Service Loyalty Awards” nitong Miyerkules.

    Mismong si Lacuna ang nanguna sa seremonya na kumikilala sa mga kawani na nakapaglingkod sa pamahalaang lungsod sa loob ng  25, 30, 35, 40 at 45 taon.

    Ang 576 na kawani ng pamahalaang lungsod ay binubuo ng 176 na kawani na may 25 years of service, 247 na kawani na may  30 years of service, 123 kawani na may 35 years of service,  17 na kawani na may 40 years of service, 12 na kawani na may mahigit  40 years of service at para sa compulsory retirement  at isang empleyado  na may 45 years of service sa pamahalaang lungsod ng Maynila.

    Ayon sa alkalde, ang mga awardees ay pinagkalooban ng certificate at cash gift bawat isa sa kanilang dedikasyon sa serbisyo sa publiko. 

    Kabilang sa mga awardees ay si Judyboy ‘Jun’  Reloban, na naglilingkod sa Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA).

    Samantala, pinuri ni Lacuna ang mga tumanggap ng pagkilala sa kanilang  dedikasyon at paggugol ng mahabang panahon ng kanilang buhay sa paglilingkod sa mamamayan ng Maynila.

    Nanawagan din siya sa mga batang empleyado na pamarisan ang katapatan at dedikasyon ng mga tumanggap ng pagkilala na kanyang pinuri sa pagbibigay ng magandang pangalan sa terminong  ‘public service.’ 

    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    News Desk

    Related Posts

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Add A Comment

    Comments are closed.

    Editors Picks
    8.5

    Apple Planning Big Mac Redesign and Half-Sized Old Mac

    January 5, 2021

    Autonomous Driving Startup Attracts Chinese Investor

    January 5, 2021

    Onboard Cameras Allow Disabled Quadcopters to Fly

    January 5, 2021
    Top Reviews
    9.1

    Review: T-Mobile Winning 5G Race Around the World

    By cinideep
    8.9

    Samsung Galaxy S21 Ultra Review: the New King of Android Phones

    By cinideep
    8.9

    Xiaomi Mi 10: New Variant with Snapdragon 870 Review

    By cinideep
    Advertisement
    Star Vision
    Starvision News
    Facebook Instagram YouTube Twitter
    • Home
    © 2025 Star Vision. Designed by Star Vision Global.

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.