Nagtungo sa Maynila ang nasa 60 complainants at witnesses nitong Lunes, Hunyo 12, isang
araw bago ang paunang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Kabilang ang asawa ng gobernador na si Pamplona, Negros Oriental Mayor Janice Degamo sa mga complainant na umalis sa lalawigan.
Dalawang batch umano silang sakay ng Philippine Air Force aircraft na umalis sa Dumaguete-Sibulan airport sa umaga at hapon.
Sinabi sa notice of hearing ng DOJ na haharap ang mga nagrereklamo sa kaso para sa multiple murders, multiple frustrated murders, at multiple attempted murders sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code sa National Bureau of Investigation (NBI) kasama ang kanilang mga testigo sa Hunyo 13 at Hunyo 20.
Ang mga pinangalanang respondents sa reklamo ay ang pugante na Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., Angelou Palagtiw, alyas “Sister of Angelo Palagtiw,” isang “Gee Ann” o “Jie Ann,” Niel Andrew Go, Capt. Lloyd Cruz Garcia II, at Nigel Electona, tulad ng ipinapakita sa notice ng DOJ.
Ang alkalde ng Pamplona, 17 iba pa, at ang NBI-National Capital Region ay pinangalanang complainant sa parehong notice, kung saan ang kopya nito ay ibinigay sa local media.
Nag-ugat ang reklamo sa pag-atake noong Marso 4 sa Degamo residential compound sa Pamplona kung saan binaril ang gobernador habang namamahagi ng tulong ng gobyerno sa mga benepisyaryo.
Siyam na iba pa ang napatay at 16 ang nasugatan sa malawakang pamamaril na ginawa ng mga armadong lalaki na kalaunan ay inaresto nang magkahiwalay kasama ang mga reklamo, na isinampa din laban sa kanila ng DOJ.
Si Teves, na sinuspinde nang dalawang beses ng House of Representatives, ay tinaguriang mastermind sa pagpatay kay Degamo. Siya at ang kaniyang mga legal na tagapayo ay paulit-ulit na itinanggi ang akusasyon.
Nananatiling hindi klaro ang kinaroroonan ng solon dahil hindi pa siya bumabalik sa bansa mula nang umalis siya noong huling bahagi ng Pebrero dahil umano sa mga banta sa kaniyang buhay. Ngunit nagpadala si Teves ng mga pahayag sa pamamagitan ng kanyang mga tagapayo.