Tumama ang 7.1-magnitude quake kahapon sa Pacific Ocean sa silangan ng New Caledonia, ayon sa US Geological Survey.
Ang anumang tsunami ay inaasahang may taas na 0.3 metro, ayon sa Pacific Tsunami Warning Center.
Ang mga alon ay maaring umabot sa Pacific islands ng Fiji, Kiribati, Vanuatu at Wallis at Futuna.
Nakaraang Biyernes ay 7.7-magnitude quake sa nasabi ring lugar ang naitala. Gayunman ay inalis ang naunang inisyu na tsunami warning.