Nasunog ang isang residential area sa Barangay Old Capitol Site sa Quezon City Linggo ng hapon.
Ayon sa inisyal na ulat, nagsimula ang sunog pasado alas-3 ng hapon. Itinaas ito sa ikatlong alarm bago idineklarang under control pasado alas-5 ng hapon.
Sa kasalukuyan wala pang naiuulat na nasaktan o nasawi sa insidente.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa pinagmulan ng sunog at inaalam pa rin kung ilang residente ang naapektuhan nito.