Subscribe to Updates

    Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.

    What's Hot

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Facebook Twitter Instagram
    Trending
    • Internet voting pinatitigil sa SC
    • 3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China
    • Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS
    • Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief
    • VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
    • Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
    • PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
    • Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
    Facebook Twitter Instagram YouTube
    Starvision NewsStarvision News
    Subscribe
    Saturday, July 19
    • HOME
    • WORLD
    • PHILIPPINES
    • BAHRAIN
    • GULF
    • Entertainment
    Starvision NewsStarvision News
    Home»PHILIPPINES»Senior citizens sa Marikina City, nakatanggap ng tulong mula sa PCSO
    PHILIPPINES

    Senior citizens sa Marikina City, nakatanggap ng tulong mula sa PCSO

    News DeskBy News DeskMay 24, 2023Updated:May 24, 2023No Comments2 Mins Read
    Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

    Nakatanggap ng iba’t ibang tulong at serbisyo ang mga residente ng Marikina City, partikular ang mga senior citizen, mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Mayo 22 sa Marikina Hotel and Convention Center.

    Sa Facebook post noong Martes, Mayo 23, ibinahagi ng ahensya na namahagi sila ng 1,000 food packs sa mga senior citizen ng lungsod, sa pangunguna ni PCSO Director Jennifer Liongson-Guevara.

    Naghandog rin ng libreng medical at dental mission, mga gamot at bitamina ang PCSO sa pangunguna naman ng Medical Services Department (MSD).

    Ayon sa PCSO, nasa 118 pasyente ang nakatanggap ng libreng konsultasyon at 24 pasyente naman ang sumailalim sa dental procedure kagaya ng tooth extraction.

    Bukod dito, namigay rin ang ahensya ng Mega Lotto 6/45 ticket sa 300 senior citizens.

    Samantala, nagbigay rin ang PCSO ng Educational Assistance sa dalawang iskolar ng bayan ng Marikina. Nagkakahalagang P20,000 ang tsekeng ibinigay ng ahensya kina Mark Gabriel Santos at Zayryl R. Zacarias.

    Tumanggap din ng tseke na kumakatawan sa lotto shares ng pamahalaang lungsod na nagkakahalagang P3,336,486.34 na tinanggap ni Kag.Rommel Acuna, miyembro ng Sangguniang Panglungsod ng Marikina.

    “Sa pangunguna po ni GM Mel Robles, Chairman Junie Cua, at kasama po naming mga Directors ay nandito po ang PCSO para maghatid ng tulong para sa mga lolo at lola natin dito sa Marikina. Ito po ay alinsunod sa direktiba ng Mahal na Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na abutan ng tulong ang mga Pilipino sa bawat sulok ng bansa,” ani PCSO Director Guevara sa kaniyang panayam.

    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    News Desk

    Related Posts

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025

    Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief

    February 5, 2025
    Add A Comment

    Comments are closed.

    Editors Picks
    8.5

    Apple Planning Big Mac Redesign and Half-Sized Old Mac

    January 5, 2021

    Autonomous Driving Startup Attracts Chinese Investor

    January 5, 2021

    Onboard Cameras Allow Disabled Quadcopters to Fly

    January 5, 2021
    Top Reviews
    9.1

    Review: T-Mobile Winning 5G Race Around the World

    By cinideep
    8.9

    Samsung Galaxy S21 Ultra Review: the New King of Android Phones

    By cinideep
    8.9

    Xiaomi Mi 10: New Variant with Snapdragon 870 Review

    By cinideep
    Advertisement
    Star Vision
    Starvision News
    Facebook Instagram YouTube Twitter
    • Home
    © 2025 Star Vision. Designed by Star Vision Global.

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.