Hinikayat ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga opisyal at empleyado ng Manila City Hall na makiisa sa month-long activities na ikinasa ng pamahalaang lungsod para sa pagdiriwang ng ika-452 anibersaryo ng Araw ng Maynila sa Hunyo 24.
Ang paghikayat ay ginawa ng alkalde sa regular na flag raising ceremony sa Manila City Hall nitong Lunes.
Kasabay nito, inilatag na rin ni Lacuna ng mga nakalinyang aktibidad para sa Araw ng Maynila.
Kabilang dito ang pagpaparangal ng local government employees na nakapaglingkod ng matagal at ginugol ang kanilang panahon sa paglilingkod sa lungsod, pagkilala sa mga residente ng lungsod na nag-ambag at nagdulot ng karangalan sa Maynila, Miss Manila beauty pageant at ang socio-civil parade na gaganapin sa makasaysayang Moriones sa Tondo.
Ilan pa sa mga aktibidad para sa Manila Day ay ang mga sumusunod:
Hunyo 15, 2023 (Huwebes)
7:00 AM- CityWide Clean Up Drive
4:00 PM- The Manila Film Festival (TMFF) Float Parade, Kartilya
6:00 PM- TMFF Premier Night, SM Manila
Hunyo 16 (Biyernes)
8:00 AM- Tree Planting, Arroceros Park
Hunyo 17 (Sabado)
9:00 AM- Manila June Bride, San Agustin Church
11:00 AM- Civil Wedding, PLM
Hunyo 19 (Lunes)
7AM- Wreath Laying in Honor of Dr. Jose Rizal, Luneta Park
Afternoon- TMFF Awards Night
Hunyo 20 (Martes)
6:00 PM- Rampa Manila, Bulwagan
Hunyo 21 (Miyerkules)
2:00 PM- Loyalty Service Award, MET
Hunyo 22 (Huwebes)
2:00 PM- Outstanding Manilans, MET
Hunyo 23 (Biyernes)
7:00 PM- Miss Manila, MET
Hunyo 24 (Sabado)
8:00 AM- Wreath Laying – Rajah Sulayman’
8:30 AM- Civil and Military Parade, Moriones, Tondo
4:00 PM- Grand Copa De Manila, Malvar, Batangas.