Subscribe to Updates

    Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.

    What's Hot

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Facebook Twitter Instagram
    Trending
    • Internet voting pinatitigil sa SC
    • 3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China
    • Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS
    • Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief
    • VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
    • Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
    • PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
    • Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
    Facebook Twitter Instagram YouTube
    Starvision NewsStarvision News
    Subscribe
    Monday, June 9
    • HOME
    • WORLD
    • PHILIPPINES
    • BAHRAIN
    • GULF
    • Entertainment
    Starvision NewsStarvision News
    Home»PHILIPPINES»CBCP, sumuporta sa panawagan ng Santo Papa na itigil ang paggamit at pamumuhunan sa fossil fuel
    PHILIPPINES

    CBCP, sumuporta sa panawagan ng Santo Papa na itigil ang paggamit at pamumuhunan sa fossil fuel

    News DeskBy News DeskJune 6, 2023Updated:June 6, 2023No Comments2 Mins Read
    Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

    Nagpahayag ng pagsuporta ang maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa panawagan ni Pope Francis na ihinto na ang paggamit at pamumuhunan sa fossil fuel.

    Ayon kay CBCP-Stewardship Office chairman, Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, malaking tulong ang pagsasantabi sa industriya ng fossil fuel upang mabawasan ang polusyon sa kapaligiran.

    Tinukoy ng obispo ang pagsusulong sa paggamit ng bisikleta at paglalakad na bukod sa makabubuti para sa kalusugan, ay magandang alternatibo rin sa mga sasakyang gumagamit ng gasolina at naglalabas ng mapanganib na usok.

    “Iyan po’y bahagi nga ng ating paninindigan sa environment na bawasan natin ang paggamit ng fossil fuel. Pwede tayong makibahagi rito sa maraming paraan. Sa ating mga sasakyan, baka pwedeng magbisikleta na lang, o kaya’y pwedeng lumakad ng konti. Pwede rin sa ating paggamit ng mga bagay-bagay na bawasan natin upang hindi masyado maging magastos,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng church-run Radio Veritas.

    Nabanggit din naman ng obispo ang Pastoral Letter on Ecology ng CBCP na panawagang isantabi ang pamumuhunan sa mga institusyong sumusuporta sa mga industriya tulad ng fossil fuel, coal-fired power plants, at mining companies.

    Panawagan ni Bishop Pabillo sa mga korporasyon na ihinto na ang pamumuhunan sa marumi at mapaminsalang industriya.

    Sa halip aniya ay higit na paglaanan ng pondo ang mga proyektong may kakakayahan ding makalikha ng salapi nang hindi naisasantabi ang kapakanan ng kalikasan at kalusugan ng mga tao.

    Hinikayat din ng opisyal ng CBCP ang bawat mamamayan na tangkilikin lamang ang mga institusyong nagsusulong at namumuhunan para sa malinis na enerhiya.

    “I-divest natin ang ating mga pera sa mga kumpanya, sa mga bangko na nagfi-finance nitong mga coal-fired power plant. Mas maglagay tayo ng ating mga pera sa mga lugar, sa mga bangko, sa mga enterprise na nagpo-promote ng green energy, ng renewable energy,” saad ni Bishop Pabillo.

    Nabatid na sa mensahe ni Pope Francis para sa World Day of Prayer for the Care of Creation 2023, iginiit nito na dapat nang ihinto ang kahibangan umano sa patuloy na pagpapahintulot sa fossil fuel industry dahil sa kaakibat na panganib at pinsala sa tao at kalikasan.

    Ginawa rin ito ng Santo Papa bilang panawagan sa mga pinuno ng bansa na dadalo sa United Nations Climate Change Conference of Parties o COP28 Summit na gaganapin sa Dubai mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 12, 2023, na kabilang sa mga pagtutuunan ay ang usapin hinggil sa fossil fuel.

    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    News Desk

    Related Posts

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025

    Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief

    February 5, 2025
    Add A Comment

    Comments are closed.

    Editors Picks
    8.5

    Apple Planning Big Mac Redesign and Half-Sized Old Mac

    January 5, 2021

    Autonomous Driving Startup Attracts Chinese Investor

    January 5, 2021

    Onboard Cameras Allow Disabled Quadcopters to Fly

    January 5, 2021
    Top Reviews
    9.1

    Review: T-Mobile Winning 5G Race Around the World

    By cinideep
    8.9

    Samsung Galaxy S21 Ultra Review: the New King of Android Phones

    By cinideep
    8.9

    Xiaomi Mi 10: New Variant with Snapdragon 870 Review

    By cinideep
    Advertisement
    Star Vision
    Starvision News
    Facebook Instagram YouTube Twitter
    • Home
    © 2025 Star Vision. Designed by Star Vision Global.

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.