Magkakaroon na naman ng taas-presyo sa produktong petrolyo sa Martes, Hunyo 27.
Ipinaliwanag ni Department of Energy (DOE)-Oil Industry Management Bureau chief Rino Abad na resulta ito ng pagbabawas ng produksyon ng Saudi Arabia.
“Ang estimate po natin sa apat na araw, ang diesel ay baka lumagpas ng ₱1 at ang kerosene ay lagpas din ng ₱1. Ang gasoline ay mukhang hindi lalagpas ₱0.50 unless naapektuhan pa po ito talaga ng Friday trading,” pahayag ni Abad.
Posible ring makontra ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa interest hike ng United Kingdom at posibleng sumunod dito ang Amerika at European union.