Sapat pa ang suplay ng bigas ng bansa sa pagpasok ng ikatlong bahagi ng taon, ayon sa pahayag ng Department of Agriculture (DA).
Pinagbatayan ni DA Undersecretary Leo Sebastian, ang Masagana Rice Industry Program (MRIP) ng ahensya at ang masaganang ani nitong Enero at ang panahon ng pagtatanim ngayong buwan na inaasahang magpapaangat sa produksyon ng bansa.
Binanggit din ng opisyal ang datos ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice)-Philippine Rice Information System (PRISM) kung saan tinatayang aabot sa 8.605 milyong metriko tonelada ang palay production ngayong taon, katumbas ng 5.6 milyong metriko toneladang bigas.
Magsisilbi aniya itong dagdag sa carry-over stock ng 1.8 milyong metriko toneladang giniling na bigas at pinatatag ng pagdating sa bansa ngn 1.8 milyong metriko toneladang bigas kamakailan.
“By the end of June, the stock available will be good for more than two months, in addition to the incoming supply from the new harvest and import arrivals in the coming months,” paliwanag pa ni Sebastian sa isang television interview nitong Martes.