Kinondena ni Quezon City Mayor Maria Josefina Tanya “Joy” Belmonte ang pananambang kay Remate online photojournalist Joshua Abiad at sa mga kaanak nito sa Barangay Masambong nitong Huwebes ng hapon.
“On behalf of the entire Quezon City Local Government Unit, the Quezon City Police Department, and all peace-loving QCitizens, I would like to express my outrage and condemnation of the shooting incident that happened in Barangay Masambong,” pahayag ng alkalde.
“Although we are greatly relieved that the victim, photo-journalist Joshua Abad, has now been declared out of danger, this has not diminished our determination to bring his cowardly attackers to justice,” sabi ni Belmonte.
Sa police report, ang insidente ay naganap sa Corumi Street, malapit sa Gazan St., Brgy. Masambong, dakong 3:50 ng hapon.
Si Abiad ay lulan ng kanilang sasakyang Ford Everest nang pagbabarilin ng mga suspek.
Bukod kay Abiad, isinugod din sa ospital si Renato Abiad, 41; Jeffrey Cao, 47; at tatlo pang menor de edad na pawang pamangkin nito, matapos masugatan sa insidente.
Iniimbestigahan pa ng Quezon City Police District ang insidente.