Nilinaw ng Department of Agriculture (DA na wala itong ibinibigay na subsidiya sa grupo ng mga magsasaka sa Nueva Ecija na nagbebenta ng murang bigas sa Kadiwa stalls.
Ayon kay DA Asec. Kristine Evangelista, ang P25 kada kilo na bentahan ng bigas ay presyo mismo ng mga magsasaka na nagdadala ng bigas sa Kadiwa center dahil sa mas mataas na yield ng mga magsasaka at mas mababang production costs.
Una na ring sinabi ni Jimmy Vistar ng Unigrow na inisyatibo nila ang pag-aalok ng murang bigas para magkaroon ng opsyon ang mga mahihirap sa abot kayang bilihin.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Asec. Evangelista na may inaasahan pang ani ang grupo ng mga magsasaka kaya posibleng tumagal pa ang bentahan ng P25 per kg bigas sa Kadiwa stalls.
Anya, sa ngayon ay tumutulong ang DA para magkaroon din ng kasunduan o kontrata ang mga naturang magsasaka sa mga LGU hinggil sa pagsusuplay ng bigas.