Inaasahan na napanatili ang pagbagal ngayong Hunyo ng inflation rate sa bansa base sa inisyal na pagtantiya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa pahayag ng BSP, maaaring mamalagi ang inflation rate sa pagitan ng 5.3% hanggang 6.1% sa katatapos na buwan.
Ang pagbaba ng inflation na dulot ng pagbaba sa presyo ng karne, prutas, at liquefied petroleum gas (LPG), sa kabila naman ng pagtaas sa presyo ng bigas, gulay at isda na sinabayan pa ng pagtaas sa singil ng kuryente.
Nitong Mayo, bumagal ang inflation sa 6.1% dahil sa paghinto ng pagtaas sa presyo ng fuel, transportasyon, at mga pagkain.
Sa kabila nito, nananatili pa rin na mataas ito kumpara sa itinakda na target ng gobyerno na 2 hanggang 4 porsyento lamang.
Mula Enero hanggang Mayo, naitala sa 7.5% ang average inflation sa bansa.