Mahigit 27,000 barangay sa bansa ang idineklarang drug-free sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Ayon kay PNP-Public Information Office Chief PBGen. Red Maranan, indikasyon lamang ito na nagwagi ang pamahalaan sa laban nito kontra sa ilegal na droga.
Umabot sa 27,206 barangay ang nalinis ng PNP mula sa ilegal na droga mula July 2022 hanggang April 2023. Dahil dito 8,332 na lang ang natitirang drug-affected barangay mula sa 42,027 barangay sa bansa.
Sa loob ng naturang siyam na buwan, nakapagsagawa ang PNP ng 32,225 anti-illegal drugs operations, narekober ang P21.72-B halaga ng ilegal na droga naaresto ang 44,866 drug personalities, 3,169 dito ang itinuturing na high-value drug personalities.