Binabantayan ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang pagsulpot ng bagong sindikato na nagbebenta sa online ng pekeng Philippine visa sa mga dayuhan na nais pumasok ng bansa.
Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na base sa ulat na natanggap nila, iniaalok ng mga ahente sa online ang entry visas sa mga dayuhan ng P20,000.
Nagpapanggap umano ang mga scammer na mga tauhan ng BI at gumagamit pa ng logo ng ahensya, habang isa sa kanila ang nagpanggap na tauhan ng Philippine Consulate sa Australia.
“The scammers sent an order instructing the applicant to pay via money transfer. That is a major red flag that’s why the applicant reported the incident to us,” ayon kay Tansingco.
Nakikipag-ugnayan na ngayon ang BI sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), para mag-imbestiga at mahabol ang naturang mga miyembro ng sindikato.