Nanawagan kahapon si National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eduardo Guillen sa publiko na huwag magsayang ng bigas.
Kasunod ito ng posibilidad na magkaroon ng kakulangan ng suplay ng bigas dulot ng El Niño phenomenon.
Panawagan ni Guillen, kung hindi kayang ubusin ang isang order o isang tasa ng kanin ay kalahating tasa na lamang ang orderin.
Dagdag pa ni Guillen, dapat ding magsagawa ang mga local government units (LGUs) ng mga kaukulang paghahanda upang ma-minimize ang impact ng tagtuyot sa kani-kanilang lugar.
Nanawagan din siya ng pagkakaisa at bayanihan upang maiwasan ang matinding impact ng El Niño.