Nakatakdang i-regulate na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pamasahe ng mga pampasaherong “tri-wheels” sa inaasahang pagpasa ng ordinansa para sa standard na halaga ng pamasahe ng mga ito.
Sa ikalawang pagbasa nitong Hulyo 4 ng c8391 ni 1st District Councilor Jesus Fajardo, Jr., Chairman ng Committee on Transportation, nadiskubre na walang standard na halaga ng pamasahe ang mga bumibiyaheng tri-wheels sa lungsod.
Posibleng dahilan ito ng maraming reklamo ng mga pasahero dahil sa paiba-ibang halaga ng pasahe na sinisingil ng mga tsuper sa kanila.
Bago ito, nagkaroon na ng apat na pagdinig sa isyu na dinaluhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at iba’t ibang Tricycle Operators and Drivers’ Associations (TODAs). Dito nagkasundo sa halaga ng pasahe na kanilang sisingilin sa publiko.
Nakasaad sa panukala ang P16 base fare sa unang kilometro ng biyahe at dagdag na P5 bawat susunod na 500 metro.
Bukod sa mga regular na tricycle, kasama sa panukala ang mga tri-wheels na pedicab at mga e-trikes sa siyudad. Dito inaasahan na masusugpo ang talamak na “overcharging” ng mga tsuper, ayon sa ordinansa.