Magpapatupad ngayong Martes ang price adjustment sa mga produktong petrolyo.
Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. aabutin ng P0.20 kada litro ang ibababa sa kada litro ng gasolina, habang tataas naman ang presyo ng diesel ng P0.75 kada litro at P0.50 sa kada litro sa kerosene.
Ang price adjustment ay dahil sa output cut ng Kingdom of Saudi Arabia.
Ayon sa Cleanfuel ganito rin ang ipatutupad nilang price adjustment maliban sa kerosene.
Alas-6 ng umaga ngayong Martes ipatutupad ang price adjustment ng naturang mga oil companies habang ang Cleanfuel naman ay alas-4 ng hapon.
Wala namang abiso ang ibang kumpanya ng langis hinggil sa presyuhan ng kanilang oil products.