Nagpatupad ng ikalawang yugto ng Bill Deposit Refund para sa kanilang “eligible consumer” ang More Electric and Power Corporation (More Power), ang electricity provider sa Iloilo City para sa kanilang mga consumers na hindi pumalya at nagbabayad ng kanilang electric bill sa tamang oras sa loob ng 36 buwan o 3 taon.
Noong Mayo ay una nang nagbalik ng Bill Deposit ang More Power, sa buwan ng Hunyo ay nasa 20 consumers ang nakakatanggap, sa buwan ng Hulyo ay 65 consumer ang mabibiyan ng bill deposit refund at hanggang sa pagtatapos ng taon ay inaasahan na nasa 777 customers ang magiging eligible sa programa. Ipinaliwanag ni More Power President at CEO Roel Castro na ang bill deposit refund ay hindi reward bagkus ay karapatan ng mga consumer sa ilalim ng Magna Carta for Residential Consumers na mahigpit na inoobserba ng kanilang kumpanya.
“We have implemented this program in strict compliance with the law. The bill deposit does not belong to us; it rightfully belongs to our consumers. We are dutifully fulfilling our responsibility by returning what is rightfully theirs,” pahayag ni Castro.
“The Iloilo City Government recognizes MORE Power’s efforts in refunding bill deposits. We acknowledged the dedication and commitment of MORE Power in providing the best possible service to the Ilonggos.
This exemplary act sets the benchmark for others to follow,” sabi ni Francis Cruz, Special Assistant to Mayor Jerry Treñas. Taong 2020 nang magsimulang mag-operate ang More Power.
Tiniyak ng More Power na patuloy ang kanilang pagganap sa kanilang responsibilidad na magbigay ng de-kalidad na serbisyo sa kanilang mga consumers.