Tinanggap na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibitiw ng 18 opisyal ng Philippine National Police (PNP) na umano’y sangkot sa illegal na droga.
Sa inilabas ng Presidential Communications Office (PCO), tinanggap ni Marcos ang resignation ng Third-Level Officers ng PNP base na rin sa rekomendasyon ng National Police Commission Ad Hoc Advisory Group.
Kabilang dito sina PBGen. Remus Balingasa Medina, PBGen. Randy Quines Peralta, PBGen. Pablo Gacayan Labra II, PCol. Rogarth Bulalacao Campo, PCol. Rommel Javier Ochave, PCol. Rommel Allaga Velasco, PCol. Robin King Sarmiento, PCol. Fernando Reyes Ortega, PCol. Rex Ordoño Derilo, PCol. Julian Tesorero Olonan, PCol. Rolando Tapon Portera, PCol. Lawrence Bonifacio Cajipe, PCol. Dario Milagrosa Menor, PCol. Joel Kagayed Tampis, PCol. Michael Arcillas David, PCol. Igmedio Belonio Bernaldez, PCol. Rodolfo Calope Albotra Jr. at PCol. Marvin Barba Sanchez.
Base sa liham ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. kay Pangulong Marcos, sinabi nito na 953 na pulis ang inimbestigahan habang patuloy naman umanong mino-monitor ang 18 opisyal.
Dahil tiyak umanong may relief orders ang mga ito at ililipat sa Personnel Holding and Accounting Unit, DPRM (Directorate for Personnel and Records Management).
Matatandaan na sinabi ng Pangulo sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) na tatanggapin niya ang pagbibitiw ng mga pulis na sangkot sa illegal na droga.