Kumikilos nang mabagal sa ngayon ang Typhoon Egay papalayo sa Dalupiri Island habang dahan-dahang kumikilos papalabas ng Philippine area of responsibility pinakamaaga sa Huwebes.
Bandang 4 p.m. nang mamataan ang sentro ng bagyong “Egay” 70 kilometro kanluran hilagangkanluran ng Calayan, Cagayan, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA ngayong araw.
- Lakas ng hangin: 175 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 240 kilometro kada oras
- Direksyon: pahilagangkanluran
- Pagkilos: 10 kilometro kada oras
“Egay is forecast to track generally northwestward or north northwestward and pass over the waters south and southwest of Taiwan. It is forecast to exit the Philippine Area of Responsibility tomorrow morning,” sabi ng state weather bureau kanina.
“Egay is forecast to weaken throughout the forecast period, although the rate of weakening will not be rapid due to slightly favorable environment offsetting the impact of land interaction with the rugged terrain of Northern Luzon and Taiwan.”
Kaugnay ng bagyo, nakikita ang sumusunod na accumulated rainfall forcast mula ngayong araw hanggang bukas:
- Lagpas 200 millimeter: hilagangkanlurang bahagi ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands at Ilocos Norte
- 100-200 mm: Batanes, Ilocos Sur, nalalabing bahagi ng Cagayan, Apayao, at Abra
- 50-100 mm: Zambales at nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region and Ilocos Region
Umiiral pa rin ang ilang Tropical Cyclone Wind Signals kaugnay ng bagyo.
Signal No. 4
- hilagangkanlurang bahagi ng Cagayan (Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Santa Praxedes) kasama ang Babuyan Islands
- hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Burgos, Bangui, Dumalneg, Pagudpud, Adams)
Nakikita sa ngayon ang “significant to severe threat to life and property” sa mga nasabing lugar buhat ng typhoon-force winds.
Signal No. 3
- Batanes
- hilaga at gitnang bahagi ng Cagayan (Gattaran, Lal-Lo, Alcala, Allacapan, Lasam, Baggao, Amulung, Rizal, Santo Niño, Piat, Santa Ana, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri)
- nalalabing bahagi ng Ilocos Norte
- Apayao
- hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Danglas, San Juan)
- hilagang bahagi ng Ilocos Sur (Cabugao, Sinait)
Nagbabanta pa rin ang storm-force winds sa mga naturang lugar, na siyang posibleng magdala ng moderate to significant threat sa buhay at ari-arian sa mga nasabing lugar.
Signal No. 2
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Isabela
- nalalabing bahagi ng Cagayan
- nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
- nalalabing bahagi ng Abra
- hilaga at gitnang bahagi ng La Union (Luna, Caba, Santol, Bauang, City of San Fernando, San Juan, Bagulin, Bangar, San Gabriel, Burgos, Naguilian, Bacnotan, Sudipen, Balaoan, Aringay)
- hilaga at gitnang bahagi ng Benguet (Mankayan, Kapangan, Atok, Kabayan, Kibungan, La Trinidad, Sablan, Bakun, Buguias, Tublay, Bokod)
Dahil sa gale-force winds, tinatayang magkaroon ng minor to moderate na banta sa buhay at ari-arian sa mga nasabing lugar.
Signal No. 1
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Aurora
- Pangasinan
- Nueva Ecija
- Tarlac
- Zambales
- Bataan
- Bulacan
- Pampanga
- Metro Manila
- Cavite
- Rizal
- Laguna
- nalalabing bahagi ng La Union
- nalalabing bahagi ng Benguet
- hilagang bahagi ng Quezon (Infanta, General Nakar, Real, Lucban, Sampaloc, Mauban) kasama ang Pollilo Islands
Nagbabadya naman ang “minimal to minor” na banta sa buhay at ari-arian sa mga nasabing lugar.
“The southwest monsoon enhanced by Egay will continue to bring occasional to monsoon rains over the western portions of central Luzon, southern Luzon and Visayas in the next three days,” sabi pa ng PAGASA.
Mananatili namang magdadala ng mahahanging kalagayan sa mga sumusunod na lugar ang bagyong “Egay” at pinalakas nitong hanging habagat sa Luzon at Visayas kung saan walang wind signals, lalo na sa mga baybayin at mabubundok na lugar.