Umakyat sa limang katao na ang naiulat na nasasawi habang daan-daang libo naman ang nasalanta buhat ng Typhoon Egay at habagat, ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Martes nang iulat ng konseho ang nasa 328,356 ang apektado ng naturang bagyo. Kasama rito ang sumusunod:
- patay: 5
- sugatan: 2
- lumikas: 26,697
- nasa loob ng evacuation centers: 19,826
- nasa labas ng evacuation centers: 6,871
Ang limang naiulat na patay ay sinasabing nagmula sa CALABARZON (1) at Cordillera Administrative Region (4), bagay na bineberipika pa raw ng NDRRMC.
Nagmula sa mga sumusunod na lugar ang mga nasalanta:
- Ilocos Region: 18,789
- Cagayan Valley: 9,566
- Central Luzon: 221,527
- CALABARZON: 749
- MIMAROPA: 5,348
- Bicol Region: 764
- Western Visayas: 42,897
- Northern Mindanao: 431
- SOCCSKSARGEN: 20,510
- Cordillera Administrative Region: 7,795
Ngayong araw lang nang iulat ng PAGASA na namataan ang sentro ng bagyo 195 kilometro kanluran ng Basco, Batanes, bagay na dahilan pa rin ng Signal no. 2 sa pitong lugar.