Tinatayang nasa $235 milyon halaga ng investment commitments ang nakuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tatlong araw na state visit sa Malaysia.
Ang nasabing investments ay resulta ng pakikipag-usap ni Marcos sa mga negosyante sa Malaysia.
“The investment commitments that we have received as far are valued at around $235 million, which is a good indication that there is a strong interest from Malaysia to invest in the Philippines,” sabi ni Marcos.
Naniniwala pa ang Pangulo na ang engagement sa mga kumpanya sa Malaysia at business leaders ay potensyal para sa mutual beneficial outcomes sa Malaysia at Philippine companies.
Kabilang sa mga negosyante na nakapulong ng Pangulo ang mga nasa sektor ng agrikultura, transportasyon at teknolohiya.