Titiyakin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sapat ang suplay ng bigas sa bansa lalo na sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Egay.
Sa situation briefing sa Abra, sinabi ng Pangulo na pabibilisan din ang pagbabalik sa suplay ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.
“Again, rice, for me, is the most important,” pahayag ng Pangulo.
Anya, kailangan ngayon ng gobyerno na maghanap ng supplier ng bigas para makapagbigay ang National Food Authority ng emergency support.
Kailangan din na pag-aralan kung paano mareremedyuhan ang mga gulay na nasira ng bagyo sa Benguet.
Wala anya sa polisiya ng gobyerno ang mag-angkat sa ibang bansa. Gagawin lamang ang importasyon kung hindi na stable ang presyo ng mga bilihin.
“Hindi ‘yan magiging policy. We will not import any agriculture [product] unless we see that the supply is so low that the prices will become out of reach sa ordinary consumer,” pahayag pa ni Marcos.