Personal na namahagi ng ayuda si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga residente sa Abra na lubhang naapektuhan ng Bagyong Egay.
Sa pagbisita ng Pangulo sa Abra, sinabi nito na tututukan ng pamahalaan ang pagsasaayos sa suplay ng tubig at kuryente para mabilis na makabalik sa normal na pamumuhay ang mga residente dito.
Nangako naman ang Pangulo na hahanapan ng paraan para matulungan ang mga residenteng nawalan ng tahanan at ngayon ay nananatili pa rin sa mga evacuation centers.
Namigay din ang Pangulo ng pinansyal na ayuda sa local officials para makatulong sa relief at recovery operations.
Kuntento naman si Pangulong Marcos sa pagtugon ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan sa bagyo.
Bukod sa Abra, binisita rin ng Pangulo ang mga nasalanta ng bagyo sa Laoag at Tuguegarao.