Iniimbitahan ng Civil Service Commission (CSC) ang mga lider at human resource (HR) practitioners sa gobyerno na dumalo sa dalawang araw na 2023 Public Sector HR Symposium sa Pasay City sa darating na Setyembre 26, 2023.
Sa ika-10 taon nito ngayon, ang HR Symposium ay isang taunang learning conference na pinamumunuan ng Civil Service Institute (CSI) upang patuloy na i-update ang mga lider at HR practitioner sa publiko at pribadong sektor hinggil sa mga makabagong nauuso at kasanayan sa larangan ng pamumuno, HR management , at pag-unlad ng organisasyon.
“We are thrilled to host the largest gathering of government leaders, supervisors, and HR practitioners this year. The 2023 HR Symposium is not only a significant learning and networking event but also a venue to share insights and best practices on cultivating a culture of dynamism and resilience in the civil service,” pahayag ni CSC Chairperson Karlo Alexei Nograles.
Sa temang “Developing and Fostering a Culture of Dynamism to Achieve a Resilient and Sustainable People and Public Sector Organization,” itatampok ng Symposium ngayong taon ang kahalagahan ng resilience at dynamism sa mga manggagawa ng gobyerno.
“Distinguished speakers from both international and local backgrounds will delve into a wide range of subjects across nine major tracks,” saad ng CSC. Ang mga track na ito ay nakatuon sa pag-unawa at pagpapaunlad ng dynamism sa lugar ng trabaho sa tatlong antas – personal, organizational, at societal.