Napanatili ng Typhoon Falcon ang lakas nito habang kumikilos pakanluuran hilagangkanluran patungo sa dagat timogsilangan ng Okinawa Islands, sabi ng state weather bureau.
Naobserbahan ang mata ng Typhoon Falcon 875 kilometro silangan hilagangsiilangan ng extreme northern Luzon 10 a.m. ng Martes, ayon sa PAGASA.
- Lakas ng hangin: 175 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 215 kilometro kada oras
- Direksyon: pakanluran hilagangkanluran
- Pagkilos: 20 kilometro kada oras
“Falcon is potentially at its peak intensity at this time and likely to maintain its strength for the next 48 hours, although intensification into a super typhoon is not ruled out,” wika ng PAGASA kanina.
“Falcon is forecast track west northwestward and begin decelerating as it approaches the waters southeast of Okinawa Islands. On the track forecast, the typhoon may exit the PAR region this afternoon or evening.”
Samantala, may posibilidad na magtaas ng tropical cyclone wind signal sa Batanes buhat ng napakalaking “wind field” ng typhoon.
Kung saka-sakali, pinakamataas na rito ang Signal No. 1.
Maaari ring magdala ng paminsan-minsang monsoon rains sa kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw buhat ng Hanging Habagat na pinalakas ng bagyong “Falcon.”
“Forecast rainfall are generally higher in elevated or mountainous areas,” dagdag pa ng state weather bureau.
“Under these conditions, flooding and rain-induced landslides remains highly likely especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps and in localities that experienced considerable amounts of rainfall for the past several days.”
Maaari ring magdala ng malalakas na hangin ang pinalakas na Habagat sa mga sumusunod na lugar ngayong araw lalo na sa mga baybaying dagat at mabubundok na lugar gaya ng:
- Batanes
- Babuyan Islands
- Abra
- Benguet
- Zambales
- Bataan
- gitna at katimugang bahagi ng Aurora
- Pampanga
- Bulacan
- Metro Manila
- malaking bahagi ng Ilocos Region
- CALABARZON
- MIMAROPA
- Bicol Region
- Western Visayas