Lalong tumaas ang pagkakautang ng gobyerno ng Pilipinas sa P14.15 trilyon sa pagtatapos ng Hunyo 2023 ayon sa Bureau of Treasury, Martes, ang pinakamataas sa kasaysayan ng bansa.
Ito’y matapos itong madagdagan ng P51.31 bilyon o 0.4% kumpara noong Mayo, primarya dahil sa pagbenta ng gobyerno ng mga securities kagaya ng Treasury bonds at bills.
Narito ang mga pinanggalingan ng kabuuang debt stock ng national government, ayon sa Treasury:
- utang panlabas: P4.45 trilyon (31.4%)
- utang panloob: P9.7 trilyon (68.6%)
Tumaas ng 1.2% kumpara noong Mayo 2023 ang domestic debt noong Hunyo dahil sa net issuance ng government bonds na siyang tinutulak ng financing requirements ng gobyerno.
Gayunpaman, mas maliit ng 1.4% ang external debt kumpara noong naunang buwan dahil sa epekto ng currency adjustments na siyang nakaapekto sa dolyar at third-ciurrency equivalents. Dahil dito, lumiit nang bahagya ang halaga ng foreign debt.
“These more than offset the availment of foreign loans amounting to P15.25 billion,” dagdag pa ng Treasury kanina.
“NG external debt has increased by P234.55 billion or 5.6% from the end-December level.”
Matatandaang walang binanggit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung paano tutugunan ang lumolobong utang ng gobyerno, malaking bahagi nito ay pamana kay Bongbong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kabuuang utang ngayon ng administrasyong Bongbong, P12.79 bilyon dito ay nagmula pa noong panahon ni Digong.