Tuluyan nang lumakas si ‘Hanna’ bilang isang bagyo at inaasahang lalo nitong palalakasin ang habagat na magdudulot ng pag-ulan sa 13 lugar sa bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), namataan si ‘Hanna’ sa layong 785 kilometro sa northeast ng Itbayat, Batanes dala ang pinakamalakas na hanging 120 kilometro bawat oras hanggang 150 kilometro bawat oras.
Dahil dito, sinabi ng weather bureau na patuloy na uulanin sa susunod na mga oras ang Batanes, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas at northern portion ng Eastern Visayas.
“Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are expected especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazards,” babala ng Pagasa.
Lalo anila itong lalakas habang lumalabas ng PAR patungo sa direksiyon ng Taiwan kung saan ito magla-landfall.
Samantala, nasa labas pa rin ng PAR ang bagyo na may international name na ‘Kirogi’.