Mga laro Sabado: (Araneta Coliseum)
4:00pm – Angola vs Sudan
8:00pm – Pilipinas vs China
(Mall of Asia Arena)
4:45pm – New Zealand vs Egypt
8:30pm – Jordan vs Mexico
TATAPUSIN ni Jordan Clarkson at ng Gilas Pilipinas ang kampanya sa FIBA World Cup 2023 laban sa China ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Pagkatapos ng 87-68 loss sa South Sudan nitong Miyerkoles, 0-4 ang Filipinos na napagsarhan na rin sa habulan sa lone berth sa 2024 Paris Olympics para sa best-placed Asian country sa FWC.
Bragging rights na lang, kumbaga, ang habol ng Nationals laban sa China.
Kulelat sa No. 32 ang GIlas noong 2019 World Cup sa China, wala ding naipanalo.
Namemeligro na naman mabokya ang hosts, pero may katiting na tsansang umangat sa classification.
Pwedeng hanggang 30th finish, depende sa resulta ng iba pang laro ng mga wala ding naipanalong teams.
Kung may magpaparehas ng cards, babasagin sa quotient para sa rankings.
Sa kasalukuyan ay -42 ang Pilipinas bunga ng mga talo sa Dominican Republic (-6), Angola (-10), Italy (-7) at South Sudan (-19).
Ang Venezuela ay -41, may laro pa kontra Finland. Wala pa ding panalo ang Iran (-90) na huling match ang Lebanon. Panghuli ang Jordan (-93) na last assignment ang Mexico.
‘Yun na lang ang ipaglalaban ng Gilas, umangat sa finish, ‘wag lang matambakan ng sangkatutak.