Pinuri ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Junie E. Cua ang papel ng mga pampublikong tagapaglingkod kasabay ng pagsisimula ng bansa sa pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng serbisyo sibil ng Pilipinas.
“Every need that we can think about, we can expect that there are government workers trying their best to address it. Nariyan din ang mga kawani ng pamahalaan sa bawat sakuna, nangunguna sa frontline para itaguyod ang kapakanan natin,” ani Cua.
“From our communities through barangay workers to the national level, the work of nation-building would not advance without public employees,” dagdag pa ni Cua.
Ang anibersaryo ng Philippine civil service ay ipinagdiriwang tuwing Setyembre.
Inihayag din ng CSC na para sa taong ito, ang selebrasyon ay dapat tumutok sa kahalagahan ng paglinang ng dynamism sa mga manggagawa ng gobyerno upang pagyamanin ang sustainable management at pagpapalakas ng organizational resilience.
Suportado naman ni Cua ang pangangailangan na patuloy na magsikap sa pagbabago ng serbisyo publiko, dahil binigyang-diin niya ang mga hamon na ipinakita ng pagbabago ng klima at ang mga oportunidad na ipinakita ng digitalization.
Patuloy din aniya ang paghahanap ng PCSO ng mga paraan para mapabuti ang serbisyo nito.