Sugatan ngayon ang lima katao matapos gumuho ang isang pader sa probinsya ng Cagayan kasunod ang malakas-lakas na magnitude 6.3 na lindol sa Bayan ng Calayan.
“[F]ive (5) injured were reported due to a collapsed wall in Calayan, Cagayan,” wika ng Office of Civil Defense (OCD) sa reporters ngayong Miyerkules.
“[T]hree were able to sustain minor injuries and the other two sustained brain trauma and head concussion, still for validation.”
Bandang 7:03 p.m. nitong Martes lang nang yanigin ng lindol ang Dalupiri Island, dahilan para makapagtala ng Intensity V (strong) earthquake sa mga sumusunod na lugar sa Ilocos Norte:
- Bacarra
- Bangui
- Burgos
- City of Laoag
- Pagudpud
- Paoay
- Pasuquin
- San Nicolas
Sa kabutihang palad, wala pa namang naitatalang patay as of September 11.
Wala pa namang residenteng naibabalitang inilikas sa loob at labas ng evacuation centers sa ngayon.
Una nang naibalitang umabot sa magnitude 6.4 ang lindol bago ito i-downgrade ng Phivolcs sa 6.3.
Maliban sa mga pinsala, sinabi ng state seismologists sa ulat ng dzBB na umabot na sa 99 aftershocks — o mas maliliit na lindol — matapos ang inisyal na pagyugyog ng lupa.
“OCD Region II and Cagayan and Isabela [Provincial Disaster Risk Reduction Management Council] continues to monitor and assess the situation,” patuloy ng OCD.
“[National Disaster Risk Reduction and Management] Operations Center [have also] disseminated Emergency Alert and Warning Messages.”
Nakahanda naman na sa ngayon ang ayuda pra sa mga nasalanta habang naka-alerto ang mga search and rescue teams.