Dinakip ng mga tauhan ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang bagitong pulis na nakatalaga sa Mababang Kapulungan ng Kongreso o Kamara de Representantes dahil sa kasong rape.
Kinilala ni IMEG Director PBrig. Gen. Warren de Leon ang suspek na si Patrolman Kemberly Cyd Cela na nakatalaga bilang security sa Kamara.
Si Pat Cela ay naaresto nitong Martes ng gabi sa loob mismo ng Kamara Representatives matapos lumabas ang warrant of arrest nitong September 11 na inisyu ng Marikina Regional Trial Court Branch 193.
Ang suspek ay nahaharap sa 3-counts ng rape at nakakulong na sa Quezon City Police District (QCPD).
Maliban sa kasong criminal, nahaharap din ang nasabing pulis sa kasong administratibo na maaaring maging daan ng kanyang pagkakasibak sa serbisyo.