Nagsama na sa kulungan ng Senado ang mag-asawang nang-abuso umano sa kasambahay na si Elvie Vergara.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights ay pina-cite in contempt ni Sen. Raffy Tulfo si Pablo Jerry Ruiz.
Inayunan naman ni Sen. Jinggoy Estrada ang mosyon ni Tulfo dahil sa pagsisinungaling ni Ruiz sa komite.
Sa naturang pagdinig, pinagtanggol ni Ruiz ang kanyang asawa na si France na nauna na rin pina-contempt ng komite dahil sa pangmamaltrato kay Vergara.
Ibinasura naman ng komite ang motion for reconsideration ng kampo ni Ruiz para mapalaya ito sa kustodiya ng Senado.
Samantala, lumalabas naman na bagsak sa polygraph test ang mag-asawa na ginawa ng National Bureau of Investigation (NBI).
Nabatid na ang resulta ng polygraph test ay isasama sa kanilang committee report.