Hindi pabor si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ma-impeach o mapatalsik sa puwesto si Vice President Sara Duterte.
Naniniwala si Marcos na hindi deserve ni Duterte na maalis sa puwesto.
Sinabi rin ni Marcos na “excellent” ang kanilang relasyon ng Bise Presidente.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa gitna ng ugong na may nilulutong impeachment ang Kamara.
Tiniyak din ni Marcos na binabantayang mabuti ng kanilang hanay ang sitwasyon sa Kamara.
Sabi ng Pangulo, lahat naman sila ay mayroong mga detractors at hindi na bago ito.
Hindi narin umano ito nakababahala para sa katulad nilang may mataas na katungkulan sa gobyerno.
Pagtitiyak pa ni Marcos, walang lamat ang UniTeam ngayon.
Katunayan aniya ay mas tumibay pa nga ang kanilang relasyon.