Patuloy na nag-o-operate sa Pilipinas ang mga sindikato na nagpro-prodyus at nagsasabwatan sa pagpapalabas ng mga pekeng “travel documents” na ginagamit ng mga dayuhan at Pilipino na may transaksyon sa Bureau of Immigration (BI).
Inihayag ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na base sa ulat sa kaniya ng Anti-Fraud Section, nasa kabuuang 241 pekeng dokumento ang kanilang naeksamin nitong nakalipas na 2023.
Kabilang sa mga ito ang mga pekeng birth at marriage certificates na gamit sa aplikasyon para sa visa, pasaporte, visas, at immigration stamps na gamit naman para sa internasyunal na biyahe.
Ikinalungkot ni Tan-singco ang pama-mayagpag ng mga pekeng dokumento na umano’y karamihan ay galing sa mga fixers na pinagkakatiwalaan ng mga biktima dahil sa pangako ng mabilisan na pagproseo ng kanilang mga dokumento sa BI.
Ngunit babala ni Tansingco, may mga moderno na silang kagamitan na kasing-epektibo ng mga gamit ng ibang immigration agencies ng ibang bansa na kayang-kayang matukoy ang mga pekeng dokumento na inihahain sa kanila.
Kabilang dito ang binili nilang tatlong bagong “video spectral comparator”, na gamit sa “advanced forensic-level document examination” at ginagamit sa pagberepika sa mga dokumento tulad ng mga pasaporte, ID cards, visas at mga permits.
Dalawa pa ang donasyon ng gobyerno ng Australia sa pamamagitan ng Department of Homes Affairs ng Australian Embassy sa kanila.