Pinalakas ng Marcos administration ang laban sa internal security threats kaya’t ito ay naging matagumpay na nagresulta sa pagkapilay ng New People’s Army (NPA).
Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.sa kanyang social media accounts, ang mga law enforcers sa pagganap sa kanilang mga papel at tungkulin sa pagsisikap ng gobyerno para kontrahin ang internal security threats.
Anya,“as of December 2023”, na neutralized ng gobyerno ang 1,399 miyembro ng komunista at local terrorist groups na kung saan ay nasamsam ng gobyerno ang 1,751 firearms.
Kaya’t sinabi ni Pangulong Marcos na hindi ititigil ng pamahalaan ang anti-insurgency campaign nito.
Pinuri rin ng Punong Ehekutibo ang mga naging bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan laban sa internal threats, partikular na sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Department of National Defense (DND).
Ayon pa sa Pangulo na maganda ang performance ng AFP, PNP at maganda ang koordinasyon ng Kalihim ng Department of National Defense at intelligence agencies kaya’t maituturing na wala nang aktibong Guerilla Front sa bansa.