Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nahihirapan siyang pumili ng susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd) na makakapagpataas ng mga “test scores” o mga marka sa pagsusulit sa bansa.
“It turns out it’s harder than i thought because we absolutely have to get it right. So I’m giving myself time,” ayon sa Pangulo.
Paliwanag niya, nahihirapan siya dahil maraming magagaling na pagpipilian at marami na rin siyang nakitang curriculum vitae, subalit ang mahalaga aniya ay kailangan pa rin pumili na mayroong kaalaman sa pagiging isang educator.
“Ang lagi naman nating tinitingnan ang mga test score natin. We have to bring up the test scores- we all know that. So you need an educator who understands how to help the students, how to help the teachers, number one. So there are many people who understands that, who are experts, really, in the education sector. But then how do you achieve that”, sabi pa ng Pangulo.
Anya, napaka kumplikado ng trabaho ng DepEd kaya nahihirapan siyang pumili ng susunod na DepEd Secretary.
“Mahirap ang trabaho ng DepEd. That’s why we have to thank Inday Sara for, really, the effort that she put in,” dagdag ng Pangulo.
Inamin din niya na wala siyang listahan o shortlist kung sino ang susunod na kapalit ni Duterte kundi kung sino ang kanyang personal na kakilala at sa tingin niya ay kaya ang trabaho at marami ang nagsasabi sa kanya tungkol dito ay saka niya ito pipiliian.
Lumalabas sa pinakabagong Programme for International Student Assessment (PISA) na ika-60 ang Pilipinas mula sa 62 bansa at economies na nagpartisipa sa test kung saan ina-assessed ang mga performance ng mga estudyante sa creative thinking.
“The observed creative thinking performance in Philippines is lower than the expected performance, after accounting for performance in reading,” sabi ng PISA.