Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang P2025 National Expenditure Program o NEP.
Base sa direktiba at polisiya ng Pangulo, magiging prayoridad ng gobyerno ang food security, social protection, healthcare, housing disaster resilience, infrastructure, digital connectivity at energization.
Sa cabinet meeting sa Malacañang, iprinisinta ni Budget Secretary Amenah Pangandaman sa Pangulo ang panukalang P6.352 trillion national budget para sa 2025.
Mas mataas ito ng 10.1% kaysa sa 2024 General Appropriations Act (GAA0 na P5.768 trillion
Sa ilalim ng inaprubahang NEP, nangunguna sa listahan na paglalaanan ng pondo ang DepEd; DPWH, DOH (kabilang ang PhilHealth), DILG at Department of National Defense (DND).
Gayundin ang DSWD, Department of Agriculture (DA) at attached corporations; Department of Agrarian Reform (DAR); Department of Transportation (DOTr) at ang Judiciary at Justice Department.
Inaasahan naman na isusumite ng Pangulo ang panukalang budget sa kongreso sa loob ng 30-araw matapos ang kanyang State of the Nation Address (SONA).
Target naman ni Pangandaman na isumite sa kongreso ang panukalang budget isang linggo matapos ang SONA ng Pangulo.