“Please naman, nanawagan ako, sumuko ka na. Dahil klaro naman ang sinasabi mo, you are deemed to be innocent until your guilt is proven in court.”
Ito ang apela ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos kay Pastor Apollo Quiboloy na patuloy na nagtatago sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City.
Ginawa ni Abalos ang apela sa ikapitong araw ng search operation ng PNP kay Quiboloy na nahaharap sa kasong human trafficking, child sex trafficking, fraud and coercion at bulk cash smuggling.
Simula nang ilunsad ng PNP ang manhunt noong Agosto 24 sa compound ng KOJC, 54 katao ang nasugatan, 29 nasakote habang 16 ang hinimatay, lima ang inatake sa puso kabilang ang isang nasawi.
Bukod sa PNP ay sumabak na rin ang halos isang batalyon ng Philippine Army upang tumulong sa manhunt operation kay Quiboloy.
Ayon kay Abalos, may warrant of arrest si Quiboloy na maihahalintulad aniya na “People of the Philippines vs Apollo Quiboloy” at kung ang sinasabi ng “Self Proclaimed Son of God”ay wala siyang kasalanan ay sa korte na lamang niya ito patunayan dahilan may tamang proseso para dito.
“There is no turning back on the part of the PNP until Pastor Quiboloy is arrested, sabi pa ng opisyal.