Subscribe to Updates

    Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.

    What's Hot

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Facebook Twitter Instagram
    Trending
    • Internet voting pinatitigil sa SC
    • 3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China
    • Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS
    • Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief
    • VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
    • Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
    • PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
    • Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
    Facebook Twitter Instagram YouTube
    Starvision NewsStarvision News
    Subscribe
    Friday, July 18
    • HOME
    • WORLD
    • PHILIPPINES
    • BAHRAIN
    • GULF
    • Entertainment
    Starvision NewsStarvision News
    Home»PHILIPPINES»Ang dahilan sa likod ng pagdiriwang ng ‘Eid’l Adha’ ng mga Muslim
    PHILIPPINES

    Ang dahilan sa likod ng pagdiriwang ng ‘Eid’l Adha’ ng mga Muslim

    News DeskBy News DeskJune 28, 2023Updated:June 28, 2023No Comments3 Mins Read
    Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

    Pormal na inanunsyo ng Malacañang na ang araw ng Hunyo 28 ngayong 2023 ay isang pambansang holiday alinsunod sa pagdiriwang ng “Eid’l Adha” o Sakripisyong Alay (Feast of Sacrifice).

    Para sa kaalaman, may dalawang pinakamahalagang pagdiriwang ang mga Muslim sa loob ng isang taon.

    Una ang “Eid ul Fitr” bilang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan at pangalawa naman ay ang “Eid’l Adha” kung saan para sa banal na araw ng pagsasakripisyo at pag-aalay ng kakataying hayop na magmumula sa tulad ng kambing, tupa, baka o kamelyo.

    Ang “Eid’l Adha” o pagdiriwang ng “Sakripisyong Alay,” ay ang panahon kung saan mayroong nagaganap na pag-aalay, pagkakaisa at pagmamahalan. Ayon sa manunulat na si Wardah Abbas, sa kaniyang artikulong “Paano Ipinagdiriwang ang Eid” na mababasa sa website na “Relihiyong Islam,” ang “Eid” ay nangangahulugang “pagdiriwang” o “piging.”

    Sa karagdagan pang dahilan, nagpaparangal ito ng pagpapaunlak at pagpapakita ng katapatan ni Ibrahim na kaya niyang isakripisyo ang kanyang panganay na anak na si Ismael, bilang isang pagsubok ng pagsunod niya sa kanyang Panginoon o kay Allah.

    Makikita sa tagpong iyon ang tunay at dalisay na katapatang ipinakita ni Ibrahim sa Panginoon na siyang tumatalima sa mga ipinag-uutos sa kanya.

    Matapos subukin ang katapatang ipinakita ni Ibrahim, namagitan na si Allah. Iniutos kay Ibrahim na isang tupa na lamang ang i-alay kapalit ng kanyang anak na si Ismael.

    Ang pagtalima, pagsunod at pagpapalalim naman sa kautusan at kalooban ng Allah ay tunay na katangian ng isang matuwid na Muslim.

    Ipinadiriwang ng mga Muslim ang araw sa pag-aalay ng isang tupa at pamamahagi nito hindi lamang sa mga kapamilya at kaibigan, bagkus ganun din sa mga kapus-palad.

    Hudyat ng pagtatapos ng taunang Hajj o Islamic pilgrimage ang pagdiriwang sa Mecca sa Saudi Arabia.

    Para naman sa Pagdarasal sa Eid, sinisimulan ito sa pagsasagawa ng sama-samang pagdarasal sa Eid, minsan sa loob ng masjid ngunit kadalasan ay sa isang malaking bakanteng lote. 

    Habang sa daan patungo sa Pagdarasal sa Eid, binibigkas nila ang mga katagang Arabe na:

    “Allahu Akbar, Allahu Akbar, Allahu Akbar. La ilaha illalah. Allahu Akbar, Allahu akbar, Wa lillahil Hamd. Si Allah ay dakila, si Allah ay dakila, si Allah ay dakila.” 

    “Walang ibang diyos kundi si Allah. Si Allah ay dakila, si Allah ay dakila. Sa Kanya nauukol ang lahat ng papuri,” tumbas naman nito sa wikang Filipino.

    Kasunod ng pagdarasal sa Eid, ang mga Muslim ay nagsasama-sama para magkaroon ng isang piging kasama ng kanilang mga pamilya at mga kaibigan para pagsaluhan ang

    iba’t ibang mga handa.

    Ang Eid ay para ipagdiwang na natapos ang espiritwal na tungkulin, gayundin ang oras ng pagbibigkis at pagpapalitan ng yakap at halik, at kagalakan kasama ng pamilya, mga kaibigan at ng pamayanan.

    Sa huli, sa bawat Muslim, ang Eid ay oras ng pagbibigayan at pagpapadama ng pagmamahal, kapayapaan at pagkakaibigan kaya naman nagbabatian sila ng “Eid Mubarak.”

    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    News Desk

    Related Posts

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025

    Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief

    February 5, 2025
    Add A Comment

    Comments are closed.

    Editors Picks
    8.5

    Apple Planning Big Mac Redesign and Half-Sized Old Mac

    January 5, 2021

    Autonomous Driving Startup Attracts Chinese Investor

    January 5, 2021

    Onboard Cameras Allow Disabled Quadcopters to Fly

    January 5, 2021
    Top Reviews
    9.1

    Review: T-Mobile Winning 5G Race Around the World

    By cinideep
    8.9

    Samsung Galaxy S21 Ultra Review: the New King of Android Phones

    By cinideep
    8.9

    Xiaomi Mi 10: New Variant with Snapdragon 870 Review

    By cinideep
    Advertisement
    Star Vision
    Starvision News
    Facebook Instagram YouTube Twitter
    • Home
    © 2025 Star Vision. Designed by Star Vision Global.

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.