Author: News Desk

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang PDP-Laban para pigilan ang plano ng Commission on Elections (COMELEC) na magpatupad ng online voting para sa mga OFWs sa 2025 midterm elections. Sa “Petition for Certiorari and Prohibition, with a prayer for a Temporary Restraining Order (TRO) and a writ of preliminary injunction”, hinihimok ang poll body na ipatupad ang manual counting at on-site canvassing para sa overseas voting. Binabanggit sa petisyon ang Republic Act 9369 (Automated Election Law) at RA 10590 (Overseas Absentee Voting Act). Kinuwestiyon sa petisyon ang pagpapahintulot ng mga resolusyon sa automated at online na ­paraan ng pagboto…

Read More

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga awtoridad sa China ang tatlong Pinoy sa ­hinalang naniniktik umano at ­inaakusahang nagtatrabaho para sa ­Philippine intelligence agency upang mangalap ng classified information sa militar ng China. Iniulat ng China Daily na isang Pinoy na alyas “David” na matagal nang residente sa China ang hinuli matapos umanong makitang paulit-ulit na tumatambay malapit sa mga pasilidad ng militar. Sinabi sa ulat na may nag-uutos kay David at dalawang iba pang Filipino na kinilala sa mga pangalang Bert at Natalie. Binanggit sa ulat na ­inaresto ang tatlo ng mga awtoridad matapos ­makuha ang mga ­ebidensya ng umano’y kanilang pagkakasangkot sa ­espionage. Wala…

Read More

Bumaba ang trust ra­tings nina Pang. Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa idinaos na survey ng Social Weather Stations (SWS), na inisponsoran ng Stratbase Consultancy, noong Enero 2025. Mula sa 54% noong Disyembre 2024, bumaba ng apat na puntos ang trust ratings ni Pang. Marcos sa 50% na lamang noong Enero 2025. Samantala, mula sa 52% noong Disyembre ay lumagapak sa 49% ang trust ratings ni VP Sara. Ayon kay Stratbase Institute president Prof. Dindo Manhit, ang pagbaba ng ratings ng Pa­ngulo ay may kinalaman sa inflation o patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin…

Read More

Nagtalaga na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong Presidente at Chief Executive Office (CEO) ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Si Dr. Edwin Mercado, isang US-Trained Orthopedic surgeon ang ipapalit kay Emmanuel Ledesma Jr. Nagsilbi rin si Mercado bilang vice-chairman ng Mercado General Hospital/Qualimed Health Network simula Marso 2021. Nagtapos si Mercado ng Doctor of Medicine sa University of the Philippines (UP) noong 1987 at Master of Medical ­Sciences in Global Health Delivery sa Harvard Medical School noong 2023. Samantala, itinalaga rin ng Pangulo si Isagani Nerez bilang bagong hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Papalitan ni Nerez…

Read More

Aabot umano sa 200 tauhan ng Office of the Vice President (OVP) ang maaaring mawalan ng trabaho sakaling tuluyang maaprubahan ang tapyas sa budget ng kanilang tanggapan. Ayon kay Vice President Sara Duterte, ang pinakamaaapektuhan sa budget cuts ay ang mga personnel sa iba’t ibang satellite offices ng OVP sa buong bansa. Apektado rin aniya ang mga empleyadong nakatalaga sa kanilang central office sa Mandaluyong City. Nauna rito, inaprubahan ng Senado ang P733-milyong budget para sa OVP na ipinanukala ng Senate finance committee, matapos na walang senador na kumwestiyon dito. Una na rin namang sinabi ni Duterte na ilang proyekto…

Read More

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabibili na rin sa merkado sa New Zealand ang Durian. Ito ay matapos magkaroon ng bilateral meeting si Pangulong Marcos kay New Zealand Prime Mi­nister Christopher Luxon sa sidelines ng 44th at 45th ASEAN Summit Related Summits sa Vientiane, Lao People’s Democratic Republic. “We are talking about right now (with) our appropriate ministries. Ours is the Department of Agriculture for the Philippines and the Ministry for Primary Industries in New Zealand. [They] are already in discussion on how to achieve this [durian export],” ayon pa sa Pangulo. Sinabi naman ni Luxon na hindi…

Read More

Tuluyan nang inalis ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang single confinement policy, kung saan ang mga benepisyaryo nila ay maaari lamang mabigyan ng benepisyo ng isang beses dahil sa kaparehong karamdaman sa loob ng 90-araw. Ayon kay PhilHealth Senior VP at spokesperson Israel Francis Pargas, sinimulang alisin ang naturang polisiya simula pa noong Oktubre 1. Bunsod nito, lahat aniya ng miyembro ng PhilHealth na mako-confine o mare-readmit sa kaparehong karamdaman ay maaari nang makakuha ng parehong benepisyo. “Lahat ng miyembro na maco-confine o mare-readmit for the same illness ay makakakuha na po o makaka-avail na po ng benepisyo…

Read More

Kinumpirma ni Sen. Imee Marcos na kumalas na siya na senatorial line-up ng administrasyon. Sa press conference nitong Lunes, sinabi ni Sen. Imee na nais niyang protektahan ang kanyang nakababatang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang hindi ito malagay sa alanganin. “Maraming nagsasabi noon na ako’y namamangka sa dalawang ilog. Ang ninanais ko ay ako ang daan kung saan magtatagpo ang lahat ng ilog. Tangway, ika nga sa atin. It’s a tremendous sacrifice to stand alone. But I need to be free to cross the line, to talk to all parties, and to get things done,” ani Marcos.…

Read More

Iniimbestigahan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lumutang na alegasyon na isang espiya ng China ang nadismis na si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo. “Definitely DILG-PNP [Department of the Interior and Local Government-Philippine National Police] should investigate these allegations,” pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos. Lumutang sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara nitong Biyernes ng gabi ang isang documentary video ng Al Jazeera kung saan inamin ni She Zhiijiang, isang self-confessed Chinese spy na siya at si Guo ay mga espiya na handang ialay ang buhay sa China’s Ministry of State Security (MSS). Ayon…

Read More

Iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang 24 na mga dating pinuno nito kaugnay ng alegasyon na isa sa kanila ang tumulong kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na makatakas mula sa Pilipinas kapalit ng mala­king halaga. Ito ang sinabi ni PNP chief Police General Rommel Marbil sa pagdining ng Senate finance subcommittee sa panukalang P205.8-bilyong badyet ng PNP para sa 2025. “Wala pa po kaming report coming from [retired] General Raul Villanueva doon sa sinabi niya, but we are investigating 24 of our former chief PNP kung involved po sila,” ani Marbil. Nais din ng PNP na hingan…

Read More