Author: News Desk

Pitong Pilipino ang tinulungan ng Department of Fo­reign Affairs (DFA) na makabalik sa bansa nitong Biyernes matapos maaresto dahil sa cyber scam network sa Laos. Sinabi ng DFA na tinutulungan na rin ang “release at extraction” ng mga OFWs sa Laos kasunod ng pag-crackdown kamakailan sa Golden Triangle Special Economic Zone (GTSEZ), na kilala sa mga casino at hotel na pag-aari ng mga Chinese at hinihinalang gumagawa ng mga ilegal na aktibidad. Ayon sa DFA, ang Embahada ng Pilipinas sa Vientiane ay nakikipagtulungan sa mga awtoridad ng Laos at nagpadala ng isang team sa Bokeo upang mapadali ang pagpapalaya at…

Read More

Gagamitin umano ng Department of Health (DOH) ang smallpox vaccine bilang proteksiyon laban sa Mpox. Kinumpirma ni Health Assistant Secretary at Spokesperson Albert Domingo na nagpaabot na ang DOH ng intensiyon sa World Health Organization (WHO) na mabigyan ang Pilipinas ng access sa smallpox vaccines upang magamit na proteksiyon laban sa Mpox. Ayon kay Domingo, base kasi sa scientific findings ang smallpox vaccines ay nakapagbibigay ng cross-protection laban sa Mpox. Gayunman, wala pa aniyang suplay ng natu­rang bakuna sa Pilipinas. Ani Domingo, inuuna muna kasing mabigyan ng mga naturang bakuna ang mga bansa sa Africa, kung saan nagkakaroon ng krisis…

Read More

Tumaas ng 39% ang dengue cases sa bansa base sa pinakahuling epidemiologic data ng Department of Health. Mula Enero 1 hanggang Agosto 10, 2024 umaabot na sa 150,354 ang kaso o 39% mas mataas kumpara sa 107,953 noong 2023. Sa nasabi ring panahon, mayroong 396 dengue deaths, na mas mababa sa 421 deaths noong 2023. Nakapagtala rin umano nang pagtaas ng mga kaso ng sakit sa lahat ng rehiyon sa bansa, maliban sa SOCCSKARGEN, Zamboanga Peninsula, at Bicol. Kaugnay nito, patuloy na pinapayuhan ng DOH ang publiko na maging maingat at tumalima sa kanilang 4S strategy laban sa dengue lalo…

Read More

Muling maghahain ng diplomatic protest ang gob­yerno ng Pilipinas matapos ang panibagong insidente ng banggaan ng barko ng China at Pilipinas sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea. Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni retired Vice Admiral Alexander Lopez, bagong tagapagsalita ng National Maritime Council (NMC) na bukod sa paghahain ng diplomatic protest, pinag-aaralan na rin ng PIlipinas na dalhin sa international body ang mga delikadong pangha-harass ng China sa Pilipinas. Ayon pa kay Lopez, hindi maaaring ikasa ang “kinetic action” dahil wala itong mabuting idudulot sa dalawang bansa. Sinabi naman ni Presidential Assistant on Maritime Concerns Secretary Andres…

Read More

Nakalabas na ng bansa ang napatalsik na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo na tinatawag ding Guo Hua Ping. “I am now in receipt of information that in fact this person was already out of the country on July 18, 2024 to Kuala Lumpur, Malaysia. Ipapakita ko po ang dokumentong ito, bilang patunay na pumasok sa Malaysia si Alice Guo, pagbubunyag ni Sen. Risa Hontiveros. Sinabi ni Hontiveros na dumating si Guo sa Malaysia dakong “12:17:13 military time” ng July 18. “Mr. President, hindi po pwede ipagkaila na siya ito dahil po match na match po ito sa…

Read More

Dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasira bunsod ng “unlawful and aggressive maneuvers” ng China malapit sa Escoda Shoal. Ayon kay National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya, patungo sa Patag at Lawak Islands ang BRP Cape Engeño bandang alas-3:24 ng madaling araw nang gumawa ng delikadong maniobra ang CCG vessel 3104. Tinamaan ang starboard beam ng barko at nagkaroon ng butas. Kasunod nito, bandang alas-3:40 ng madaling araw nang dalawang ulit na banggain ang port at starboard ng BRP Bagacay ng CCG vessel 21551 habang naglalayag sa layong 21.3 nautical miles southeast ng Escoda Shoal. Gayunpaman,…

Read More

Pormal nang sinampahan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Department of Justice (DOJ) ng dalawang bilang ng kasong murder ang limang indibidwal, na itinuturong nasa likod nang pagpatay sa beauty queen na si Geneva Lopez at kanyang Israeli boyfriend na si Yitzhak Cohen. Mismong si PCol. Thomas Valmonte, hepe ng Legal Division ng PNP-CIDG, ang nanguna sa paghahain ng kaso laban sa limang respondents, na kinabibilangan ng dalawang dating pulis. Dalawa umano sa mga suspek ang bumaril sa mga biktima habang dalawa ang kasamang nagtapon sa bangkay. Ayon kay Valmonte, bukod sa kasong murder, mahaharap din…

Read More

Isinusulong ni Sen. Robinhood “Robin” Padilla na amiyendahan ang Republic Act 2777 o ang Anti-Rape Law upang mas pabigatin ang parusa at isama ang death penalty sa mga kasong may “aggravating circumstances.” Sa Senate Bill 2777 na inihain nitong Lunes, nais matiyak ni Padilla na bukod sa mas mabigat na parusa, dapat ding maging “gender-responsive,” ang batas dahil parehong lalaki at babae ang nagiging biktima ng sexual assault. Dagdag niya, may pag-aaral ang Council for the Welfare of Children at United Nations Children’s Fund (UNICEF) noong 2017 kung saan mas maraming lalaki na edad 13 hanggang 24 ang nakaranas ng…

Read More

Nakatakdang maghain ang gobyerno ng Pilipinas ng panibagong diplomatic protest laban sa China matapos pumasok sa teritoryong nasasaklaw ng himpapawid ng bansa sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) noong Agosto 8. Sa joint press conference sa Camp Aguinaldo, sinabi nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi maaring basta na lamang palagpasin ng Pilipinas ang mapanganib na ginawa ng dalawang Chinese aircraft na nagpakawala ng mga flares sa himpapawid sa direksiyon ng Philippine Air Force (PAF) NC-2121 propeller aircraft na nagsasagawa ng air patrol sa himpapawid ng Bajo de Masinloc. “Naturally hindi natin puwedeng…

Read More

Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Pinoy gymnast na si Carlos Edriel Yulo na isa umanong “sports hero” at “national treasure” sa kanyang natatanging ipinamalas na galing sa men’s final floor exercise kaya nakapag-uwi ng gintong medalya mula sa Paris Olympics 2024. Ayon kay Speaker Romualdez, ang makasaysa­yang tagumpay ni Yulo, na naghatid ng unang gintong Olympic medal sa Pilipinas sa larangan ng gymnastics at ikalawang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics ay isa umanong simbolo ng hindi natitinag na diwa at ang katatagan ng mga Pilipino. Bago tumulak ang mga atleta sa Paris Olympics, nagpa-abot ng tulong…

Read More