Subscribe to Updates
Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.
- Internet voting pinatitigil sa SC
- 3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China
- Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS
- Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief
- VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
- Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
- PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
- Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
Author: News Desk
Idinipensa ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang ginawa ng Philippine National Police (PNP) na pagbawi sa 75 security detail ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay Remulla, wala siyang nakikitang masama dito dahil mayroon pa namang mahigit sa 300 bodyguard ang bise presidente, na mas marami pa kumpara sa security detail ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.. “I don’t think it’s a bad matter to recall some of the personnel and she still has 300 bodyguards, bigger than the President’s security,” pahayag ni Remulla. Matatandaang una nang binawi ng PNP ang 75 sa 106 opisyal na nakatalaga…
Kaagad na pinakilos ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kanyang mga kapwa mambabatas upang tulungan ang libu-libong mangingisda sa apat na lalawigan na naapektuhan nang pagtagas ng langis. “Hindi na natin hihintayin na humingi sila ng tulong sa atin. Tayo na ang lumapit sa kanila para alamin kung ano ang tulong na kailangan nila sa atin at sa gobyerno,” aniya. “The livelihood of our fisherfolk is at stake. We must act quickly to mitigate the damage and provide the necessary support,” pahayag pa ni Romualdez. Hinikayat din niya ang kanyang mga kasamahan mula sa Bataan, Pampanga, Bulacan, at Cavite…
Hinimok ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang mga mamimili na mag-ingat sa pagbili at pagkonsumo ng mga isda at shellfish na galing sa mga coastal areas na apektado ng oil spill mula sa tumaob na motor tanker Terranova sa karagatan ng Limay, Bataan noong Hulyo 25. Inilabas ni Tolentino ang paalala sa kanyang pagbisita sa Barangay 31 sa Caloocan City, at Barangay 123 sa Tondo, Maynila kung saan namahagi siya ng tulong kasunod ng pananalasa ng Bagyong Carina. “As consumers, we should take extra precautions when buying or consuming fish or shellfish that may have come from coastal…
Aarangkada na ngayong araw ng Huwebes ang “Rice-for-All” program ng Department of Agriculture (DA). Layon ng programa na magbenta ng abot-kayang bigas sa lahat ng Pilipino na bukod pa sa P29 program. Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, well-milled ang bigas na ibebenta sa “Rice-for-All” na magkakahalaga ng P45, mas mura kumpara sa P51-P55 na bentahan ngayon ng imported na bigas. Sisimulan ito sa apat na Kadiwa Sites kabilang ang FTI sa Taguig City, Llano Road sa Caloocan, Potrero sa Malabon at tanggapan ng Bureau of Plant Industry (BPI) sa lungsod ng Maynila. Hanggang sa 25 kilos…
Maaantala ang pagbubukas ng klase ng 738 public schools sa apat na rehiyon sa bansa na itinakda sa Hulyo 29 (Lunes) bunsod ng mga pinsalang idinulot ng Habagat at bagyong Carina, ayon sa Department of Education (DepEd). Inihayag na rin ni DepEd Secretary Sonny Angara na hindi niya pipilitin na magbukas ng klase ang mga nasalantang paaralan. Sa kaniyang post sa X nitong Biyernes, binanggit niya ang datos mula sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na nagpapakita na ang mga mag-aaral ay na-miss ang tinatayang 53 araw ng pagtuturo mula sa 180-araw na school year noong nakaraang school…
Pumalo na sa 34 katao ang nasawi sa hambalos ng bagyong Carina at Southwest Monsoon o Habagat. Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) dahilan ng pagkasawi ng mga biktima ay pagkalunod, pagguho ng lupa, pagkakuryente, at pagbagsak ng mga puno. Sa Calabarzon, sinabi ng Police Region Office 4A na 12 katao ang naiulat na namatay, kabilang ang lima sa Batangas, apat sa Rizal, at tatlo sa Cavite. Nasa dalawa katao naman ang nawawala sa Cavite at Rizal, at anim na iba pa ang sugatan. Sa Metro Manila, sinabi ng National Capital Region Police Office(NCRPO), na 11 katao ang nasawi…
Inihayag ng Philippine Atmospheric Geophysica Astronomical Service Administration (PAGASA) na maituturing na “precursory sign” ng La Niña ang matinding pag-ulan na dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Carina. Ayon kay Ana Liza Solis, chief ng Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA, ito ang kanilang minomonitor sa ngayon. Sinabi nito sa climate forum na habang ang kasalukuyang mga kondisyon ay ENSO-neutral (El Niño Southern Oscillation-neutral), kung saan wala ang La Niña o El Niño, ang kasalukuyang mga pattern ng panahon ay nagpapahiwatig na ang La Niña ay maaaring papalapit na. Sinabi ni Solis na mayroong 70 porsiyentong posibilidad na…
Tinatayang aabot sa 40,000 hanggang 140,000 manggagawa ang maaaring maapektuhan nang inaprubahang P35 minimum wage hike sa Metro Manila kamakailan. Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, ito’y sakaling mapilitang magsara o magbawas ng mga manggagawa ang mga maliliit na negosyo o yaong micro, small, and medium enterprises (MSMEs), upang makatalima sa naturang panibagong umento sa sahod. Ani Balisacan, tiyak na magreresulta ito sa muling pagtaas ng unemployment rate sa bansa, bagamat nilinaw na ‘very negligible’ pa rin naman aniya ito. “It could increase the unemployment rate but again, it’s a very negligible number; and it…
Pinagbabayad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng P60 milyon ang Chinese government para sa danyos na dinulot ng China Coast Guard (CCG) sa barko ng Pilipinas noong Hunyo 17. Nagkaroon ng banggaan ang Philippine Navy at CCG matapos harangin ng huli ang resupply mission ng puwersa ng pamahalaan sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Sinira ng CCG ang dalawang motorboats gayundin ang mga personal na gamit ng ilang Navy officers bukod pa sa pagkuha ng baril ng mga ito. Pinapasoli rin ng AFP ang pitong baril na kinumpiska ng CCG. “I demanded the return of seven firearms.…
Tututukan ni incoming Education Secretary Sonny Angara ang pagpapasimple ng kurikulum at pagpapabuti ng mga benepisyo para sa mga guro. Sinabi ni Angara na inaalam niya ang mga detalye sa Matatag curriculum na inintroduce ng nagbitiw na si Vice President Sara Duterte na layuning i- streamline o pahusayin ang pangkalahatang kalidad ng edukasyon. “Dapat back to basics lang ho tayo,”ani Angara sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo. Aniya, tama ang direksyon ng Matatag curriculum. Hindi rin aniya dapat na pabigla-bigla at panatilihin ang pagpapasimple ng curriculum. Sinabi ni Angara na uunahin din niyang bawasan ang non-teaching tasks at palakasin ang kanilang…